Bakit Masama Ang G.E.R.M.S Para Sa Pilipinas?

Dear KaPAB,

May iba’t- ibang klase ng “mikrobyo” na kailangan puksain. Alamin natin ang mga kamandag ng mga germs na to.

1. Bongosis epalisis

Eto yung klase ng mikrobyo na hindi naman kagalingan pero makikita mo sa lahat ng kanal. Umaasa lamang ito sa King Mikrobyo. Alalay ng King Mikrobyo kaya feeling King din kahit wala namang alam. Magdadala ito ng mas maraming “sakit” pag nailagay sa pwesto.

 

 

2. Jinggusom estradum

Eto ang mikrobyo na paulit-ulit na nagdadala ng sakit sa taong bayan. Nilagay sa posisyon, para sana magbago at hindi na magbigay ng sakit, pero wala eh. Lagi na lang nagkakalat at sinisipsip ang dugo ng mga tao, ng paulit-ulit. Napasama din ito sa lahi at kaso ng Janetus porkasis na mikrobyo.

Dapat itong sugpuin kasi baka maubusan ng dugo ang taong bayan at marami magkasakit.

 

 

3. Bongkupitus revilliasis

Eto ang mikrobyo na medyo makapal ang balat. Napag alaman na may mga dugo ng tao na napunta sa kanya, pero ayaw pa ding isoli. Magkasama sila ni Jinggusom estradum at Janetus porkasis sa kasong pag-iimbak ng sangkaterbang dugo.

Dapat itong sugpuin kasi, nag-iimbak ng dugo na hindi naman sa kanya. Tapos nagkakalat pa ng matinding sakit.

 

 

4. Imeebabalinum pekeninsi

Eto matindi. Kasi nakapunta na ito sa ibang kuta ng mikrobyo. Kumuha ng kamandag, pero peke ang nakuha, kaya pag napunta sa tao, mas matindi magbigay ng sakit. Nagpapanggap din ito na honest, pero yun pala matindi ang kamandag ng kasinungalingan.

Delikado ang mikrobyo na ito. Maraming namatay sa panahon ng Tatay ng mikrobyo na ito, pero walang pagsisisi ang lahi nila.

 

Ngayon palang dapat ng puksain ang mga GERMS. Papano? Huwag niyong iboto, kasi may dalang “sakit” na maaaring makalugmok sa bansa natin.

 

Pupuksa sa GERMS,

PAB

G – Go

E – Estrada

R – Revilla

M – Marcos

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *