Saan niyo po pinagkukuha ang mga Statement niyo po Atty. Acosta?

Dear Atty. Persida Acosta,

Hindi ko po alam kung saan niyo po nakuha ang statement na to ha.

Paano niyo po ba nasabi yan ng wala talagang pag-aalinlangan?

Unahin natin si Kian, sino po ba ang bumaril?  Hindi po ba Caloocan Police? Sila po ang nakuhanan ng CCTV? At after nangyari yun, di ba po kanya kanyang role ang mga bloggers niyo sa theory na nanlaban si Kian?

Exhibit A

Yan ang prosecutor ng kaso na pinagtatanggol ang mga pulis na bumaril.

Exhibit B

Yung pinagdidiinan ni Ate Sass na may baril nga si Kian.

So kung susundin ko po ang logic niyo po na ang pagkamatay ni Kian ay sabotahe sa Duterte admin, ibig nyong sabihin ang Caloocan Pulis, si Fiscal Cañete at si Ate Sass, ay traydor kay Duterte?  Napaka imposible di ba?

Alam ko po na gusto niyong magpakitang gilas kay Duterte pero wag naman po up to the point na mukha na kayong eng-eng. Wag niyong pinagloloko ang taong bayan, bad po yun.

Mga patay na ang mga bata, binabalahura mo pa. Kung gusto niyong magpa promote do it in your own merits at hindi sa pagsisipsip kahit wala na sa hulog ang statement.

Yamot sa Mukhang Sementado ng Chin Chun Su,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *