Ang Kapalaran Ng Mga Commuters Sa Kamay Ng LTFRB

Dear KaPAB,

Bago magpasko nabulabog ang mga commuters nang mag post ang angkas sa desisyon ng LTFRB sa kanilang mga riders.

 

Sa ngayon meron 27,000 riders sila na available. Malaking bagay ang Angkas sa mga nag-opisina. Hanggang ngayon hindi pa din masolusyunan ang traffic tapos palpak pa ang public transportation system. Yung 5 minutes from Cubao to Makati drawing lang pala yun. By next year yung 27,000 na riders gustong bawasan ng LTFRB NG 17,000. Iyan ang numero ng pamilya ang mawawalan ng hanapbuhay sa pagbukas ng taon. Isipin niyo kung ano ang katumbas niyan na hirap sa mga commuters. Ang sinabing ng dahilan ng LTFRB kasi para hindi daw masolo ng Angkas ang market.

 

So babawasan nila ang riders ng Angkas para mapunta sa dalawang riding app na napapabalitang na ang isa ay pagmamay-ari daw ng isang pulitiko. Eto ang pinopromote ng mga account sa twitter.

 

 

Eto ang katotohanan, LTFRB is forcing angkas na magbawas ng kanilang riders para ibigay sa newcomers na JOYRIDE. Parang unfair naman yun di ba? Ang Angkas ang nagtrain ng mga riders na ito, tapos ibang company ang makikinabang? Ano bang meron sa JOYRIDE at kulang na lang subuan ng LTFRB?

Not only riders, but Drivers should have the option to choose. Angkas earned their market share fair and square, ano yun naghintay na lang ng luto na at kakain na lang tapos hindi naman sila ang nagsaing?

Mukhang hindi pa nakuntento sa pakalbaryo ang LTFRB, there is more.

 

Tuluyan na nilang tatanggalin ang mga motorcycle taxis by March. Ang tatalino di ba?sa lagay na ito nagconduct pa daw sila ng study. Ilang milyon commuters ang mahihirapan dito? Ilang libong pamilya ang mawawalan ng hanapbuhay? Nag-iisip ba mga ito?

 

Yamot Sa Mga Pahirap Sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.