Ang Budget, Ang Pagkain At Ang Mga Trolls Sa SEA Games

Dear Alan Peter Cayetano,

Pinasa niyo talaga ang kapalpakan niyo sa iba,

BUDGET

 

Sa halagang 50 milyon na kaldero at 6 bilyon na budget, kinulang pa talaga kayo ha. Ano yun, nalate kayong sunduin ang mga athletes kasi kulang kayo sa budget? Kung kulang bakit kayo nagwaldas ng 50 milyon sa isang kaldero? Kung kulang bakit kayo pumayag na ganito kamahal ang mga uniform?

 

2200 pieces na business uniform that are made of polyester fabric. Kung kulang kayo sa budget, why spent 50 million on a kaldero at P18,964,000 sa uniform? Nakikita mo ba kung gaano nakakatawa ang mga excuses mo?

PAGKAIN

Good thing at maayos na daw ang pagkain sa New Clark City.

 

Pero Ser, please remember apat Lang na event ang maheheld diyan. Kung aayusin niyo ang food sa Clark sana all. Kasi gaya ng Malaysia, nagreklamo na at nalalagay tayo ulet sa kahihiyan.

 

Nag offer pala sa inyo ng tulong ang National Commision on Muslim Filipinos to ensure that delegates from Islamic are served halal food, dineadma niyo at nag galing-galingan kayo. Tingnan niyo tuloy ang nangyari?

 

Alam niyo ba kung gaano kalaking kasalanan ang makakain ng baboy para sa mga Muslim? Yung iba sa kanila kumakain ng putik for penance.

 

 

TROLLS AND MORE TROLLS

Tell your trolls na huwag maging bulag at mamersonal just because pinupuna ang inyong mga mali.

 

Ang media, inaaway niyo kahit nirereport lang kung ano ang totoo. Sa tingin niyo kung hindi pinuna ng mga netizen ang mga pagkukulang niyo, mag offer ba ang private sector na tumulong? Gaya ng @CeresNegrosFC na nagpahiram ng bus?

 

 

Kung hindi nagalit ang mga tao Sa kikiam na pinakain niyo sa tingin niyo di niya maisip na mag ayos sa pagkain?

 

 

Pakisabi kay Lorraine Badoy At Krizette Chu, ang totoong supporter pumupuri pag tama at pumupuna kung mali. Walang hater dito, lahat gusto maging matagumpay ang SEA games kasi kahihiyan ng bansa ito.

 

Kung para sa iyo ang mga kritiko ang mananalo sa Crab Mentality event, ako sure ako na kayong mga DDS ang grand winner dito.

Ang bababaw ng mga trolls mo, tse!

 

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *