AN OPEN LETTER TO FRED J. ELIZALDE, Chairman CEO of Manila Broadcasting Company

This video ni Mocha Uson was shown yesterday sa programa niya po sa DZRH. Dito po walang habas niyang minura at pinagsabihan ng tanga ang Vice President of the Philippines na si Leni Robredo.

Hindi ko po alam kung ano po ang pamantayan ng DZRH sa responsible broadcasting but this video is so wrong in so many levels.

Sir Fred, sa broadcasting mahirap pong macensor kayo kasi you do it live. Kaya nga po most of your radio commentators and broadcasters ay they do their show responsibly. Sir, ayoko na pong magpaka technical, tanungin nyo na lang po ang sarili nyo if this video of Mocha Uson represents ang prinsipyo at values ng DZRH mula nung panahon ng Martial Law hanggang ngayon? Or kaya nyo po bang ipanood to sa mga anak nyo or apo. If the answer is YES by all means continue to hire her. But if this is not the values your company’s represent and even you as a person then maybe it’s time for you to save the reputation of DZRH and forget the profit.

The reason kung bakit minura ni Mocha si VP kasi sa isyu ng EJK. Sir Fred, alam naman natin ang katotohanan. Araw araw nirereport sa DZRH ang kaliwat kanan na patayan. Sa panahon ng kadiliman sa mga member ng media kami umaasa sa tamang pagbabalita. Pero kung sa pagbukas namin ng radio at internet at ganitong klaseng mga salita ang maririnig namin, hindi po ba nakakapanlumo?

I understand na maybe you are thinking about profits when you hired her. Sir, malaking kompanya ang Manila Broadcasting Company, kung masasakripisyo lang naman ang values at reputasyon ng station na pinapangalagaan nyo, ano pa ang silbi nang malaking kita, kung nababalahura naman po ang pangalan ng istasyon?

Ako po habang pinapanood ko po ang video, nangngilabot po ako sa kabastusan ng bibig niya. Maatim nyo bang marinig muli from the listening public ang katagang,

“Sa DZRH pala nanggaling yung pambabastos na video ni Mocha”?

Sir Fred, your company and your family had been a good example sa mga Pilipino for decades now. Please don’t let one person destroy what you have built for a long time.

If you fire Mocha, you are doing Philippines a huge favor. Your company will be known as the company who promotes good values to Filipino. And your company will be known also as the company who never tolerates KABASTUSAN sa inyong mga empleyado.

God bless you with wisdom, discernment and good health, Sir Fred.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *