Akala ko ba Mahal niyo sila?

Dear Tatay Digong,

Naaalala niyo pa po ba nang sinabi niyo po ito?

Anyare po? Parang bigla kayong sinapian ng masamang ispiritu. Ano po ang nangyayari sa paninindigang ito? Bakit po nagbago kayo? Kahapon ito ang sinabi niyo laban sa mga nag transport strike.

Tatay Digong, hindi niyo po sila kailangan murahin, ang kailangan po masolusyunan ang kanilang hinaing. Alipustahin niyo man po sila, hindi magbabago ang katotohanan na maraming pamilya ang magugutom oras mawalan sila ng pagkakakitaan.

Ok naman po ang modernization po eh. Pero kailangan niyo pong masolusyunan kung saang kamay ng Diyos kukunin nila ang pambili ng  P1,400,000 na modern jeep.

Eto nakuha ko lang po sa internet.

Kahit pa pautangin niyo sila tapos may interest din, hindi magkakasya ang kikitain nila. Paano ang pag aaral ng mga anak nila? Ang pagkain ng pamilya nila. Ang taas ng presyo po ng gasolina dahil na rin sa mababang halaga piso. Tapos may nakaambang pang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa excise tax.

Sa nila kukunin ang pambayad po na 26k monthly?

Tatay Digong, hindi mo sila masisisi kung sakaling magwelga sila, kasi po hanapbuhay nila ang nakataya.

Instead murahin sila, I think po what you should do ay hanapan ng solution ang mga hinaing nila. Di ba sabi niyo po, you hired the best and the brightest sa cabinet, might as well pag isipin niyo sila ng the best and the brightest solution din, para po sulit ang sweldo.

At saka suggestion lang po, kung magsasalita po kayo uli, dapat po sapat ang tulog at kain niyo, kasi po pag nagmumura na po kayo, nawawala na po sa hulog ang sinasabi niyo. Don’t take too much fentanyl din po, nakakabangag yata yun po eh.

Nakikiramay sa mga Jeepney Driver,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *