A Breathtaking Place

Dear KaPAB,

Lagi kong shinishare sa inyo ang mga lugar na napupuntahan ko. Finally, nagamit namin ang regalo sa amin na honeymoon package ni Ninang Margie Holmes.

 

 

It was a four hours travel by car.   We travelled and navigated by waze, we exit at Ibaan Exit along Startoll, Batangas. After Ibaan, we pass Rosario, then San Juan Batangas. Waze led us to Casa Amara, San Juan Batangas.

 

Nasa gilid siya ng bundok, the view is breathtaking. We arrived earlier ng 2PM (check-in time) so naghintay muna kami ng ilang minuto.

Pagpasok namin, sinalubong kami agad ng receptionist at manager with refreshment and ito ang bumungad sa amin sa loob.

 

 

 

 Ang mga room nila, overlooking sa dagat.

 

 

Eto ang makikita mo pag dumungaw ka from your own veranda.

 

 

Meron silang infinity pool, meron din silang jacuzzi.

Masasarap din ang inihain sa amin na mga food. Their seafood pasta is really masarap.

 

 

We had our snacks sa first day namin sa veranda, habang nakatitig sa dagat at sa kalangitan.

 

 

Nakakaluwag ng pakiramdam ang lugar. We were able to watch ang paglubog ng araw.

 

 

Yung dinner na naiserve, kumpleto din. They have their own version of humba na masarap. Yung lumpiang hubad, masarap din.

 

Good for two lang, pero sobrang dami. They serve dinner around 7PM.

We had dinner sa ilalim ng maliwanag na buwan.

 

Maganda ang accommodation nila at ang view. Puwede kang pumili kung gusto mong maligo sa pool or sa dagat. Walking distance lang ang dagat from Casa Amara.

 

 

If you want to rest from your busy life or spend quality time with your family, I recommend Casa Amara for you.

Magandang lugar, masarap na pagkain at maasikaso ang mga staff nila.

Sabi nga ng husband ko, babalik kami at dadalhin namin family namin.

Casa Amara is good for our soul.

Looking Forward For the Next Visit,

PAB

P.S. If you want to experience what we experienced, you can contact them via there FB page.

 

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *