An Open Letter to Grace Poe

Dear Grace Poe,

Hi po. Nakapag move on na po ba kayo? Mukhang kay Duterte, puwede, pero base sa hearing sa MRT nung nakaraang araw mukha hirap kayong magmove on kay Mar.

Una po may mga bagay lang po akong ituturo sa inyo.

1.

First iwasan nyo pong magbasa ng fake news, gaya po ng sinabi ng Nanay niyo sa commercial “wag mahihiyang magtanong “.

Yung tanong niyo po, kung compatible yung mga coaches sa MRT 3 system, hindi po ba sinabi na po nang paulit-ulit ni Engr. Deo Manalo of DOTr, na compatible nga? Ilang beses po ba kailangan ulitin para po magload sa isip niyo? Sabi pa nga di ba na yung gumawa ng coaches ay nakikipag-ugnayan sa signalling contractor to make it sure that it will be safe for the commuters.

2.

Eto po ang isang may pagka-stupid na tanong, bakit daw hindi natest sa China ang mga coach? Common sense po, Sen. Poe, ang pinaka-effective na pag-test ng isang tren or coach ay syempre sa riles kung saan sya gagamitin di ba? Sabi nga ng gumawa ng coach na itest ito ng 5000km sa riles natin. So, yung mga banat mo na kesyo mabuti na lang natest ng DOTr ang tren, eh yun naman po talaga ang instructions at pinaka tamang gawin.

3.

Eto po tinanong niyo naman kung bakit sa Dalian binigay ang contract eh wala namang experience sa paggawa ng train, ang advise ko po uli wag magbasa ng fake news, pag aralan ang mga corporation na involve bago maghearing. Pag aralan din ang process nang bidding and much better basahin ang RA 9184 also known as Government Procurement Law.

Kung nahihirapan pa din kayong maintindihan, sundin niyo uli ang commercial ng Nanay nyo, “wag mahihiyang magtanong”.

4.

Tapos tinanong niyo pa kung bakit pinalitan ang service provider na Sumitomo? Di ba nga, 12 years ng palpak ang serbisyo nila? Tapos ang mahal pa ng singil. Ikaw ba, hindi mo papalitan?

5.

Ngayon punta tayo sa PH Tram issue, di ko alam kung sinadya mong hindi banggitin or nakalimutan mo lang na ito ang company na pag-aari ng uncle ni Vitangcol na may kaso sa Sandigan Bayan, kasi conflict of interest nga at allegedly nag-extort daw ng pera sa isang Czech Railway Company.

6.

Ngayon yung tungkol kay Jun Abaya, basahin uli ang RA 9184. Nandun ang kasagutan. Nung time na yun, head siya ng Head of Procurement Entity, ang trabaho niya is to act sa recommendation ng BAC. Basta proper procedures is followed as mandated by RA 9184, then it’s fine.

Yung hearing na yun na you are trying to implicate Mar Roxas na naman, kayo po ang napahiya dun. Alam niyo kung bakit kasi halata po na wala kayong alam sa proseso. You are not prepared or pinili nyong maging maang-maangan with JV Ejercito.

Siguro akala niyo sasabihin ng DOTr na hindi compatible ang coach no? E compatible sya, kaya napahiya kayo, kaya kung ano-ano na tinanong niyo tapos dinamay nyo pa si Mar.

Ang nakakainis kasi nandamay pa kayo ng tao pero ayaw niyong imbitahan to defend himself. Ang babaw pa ng reason niyo, kesyo ayaw niyong sabihin ng tao na pulitika na naman. Bakit? Hindi ba pulitika ang dahilan why you are dragging the name ng taong nanahimik na ang buhay? Feeling ko takot kayo, remember nung napahiya kayo one time ng sinabi nyo PDEA is under DILG when the truth is it is under the Office of the President? See? Kung simple branch and department hindi niyo pa nakuha ng tama ang Procurement Law pa kaya? ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Apat na oras na hearing, puro pamumulitika ang ginawa, nagsayang lang ng oras at taxpayer’s money.

May mga linya pa kayo kung hindi naawa sa mga commuters, eh ikaw may ginawa ka na bang batas to solve the problems of the commuter? Mahirap po sa inyo, puro press release puro pamumulitika at motherhood statement. Kulang sa specific solution. Eto ha libreng info na to, just so you know, yung binabatikos mo, siyaย ang nag-introduce ng Beep system na ginagamit na naming mga commuters. At yang mga bagong coach na yan, na dapat 12 years ago pa sana napurchase, kay Mar din yan and take note, IT IS compatible, hindi gaya ng sinabi ng fake news na binabasa niyo po. Pati ang P2P na maraming sumasakay na ngayon ang idea yan sa kanila galing din.

Ikaw po, Senator Grace, sa ilang taon niyo sa Senado may naipanukala ba kayong solution sa sa transportation problem natin? Aside sa mga motherhood statement niyo? Sa apat na oras na hearing nung nakaraang araw may naibahagi man lang po ba kayong solution aside sa pamumulitika?

Hay naku, sa susunod magbasa ng real news at batas para may matutunan ang taong bayan.

Uulitin ko as your Mommy Susan said, “huwag mahihiyang magtanong”.๐Ÿ˜‚

Nangangaral,
PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *