Usapang Ambagan Ba Kamo, Harry?

Dear KaPAB,

Ang kapal ni Harry Roque para magsalita nito no? Parang kabayo lang na may takip ang mata.

Offer solutions daw? FYI , from the very start yan ang ginagawa ng OVP.

Remind lang kita ha. Noong unang nag-lockdown kayo na walang plano at walang masakyan ang mga healthworkers at frontliners? Sino nakaisip ng solusyon? Di ba si Busy Presidente Leni Robredo?

Noong maraming ng healthworkers na nagkakasakit? Sino ang nangunang kumalap ng tulong para mabigyan ng libo-libong health workers ng PPE? Hindi ba si Busy Presidente Leni Robredo? Hindi lang frontliners ang tinulungan niya pati ang mga biktima ng drug war ni Duterte binigyan niya hanap-buhay.

Noong maraming nagpapalayas sa mga healthworkers kasi natatakot na mahawa ng Covid19 ang mga kasamahan nila sa tirahan sino ang unang nakaisip na tumulong di ba si Busy Presidente Leni Robredo. Kaya nga nagkaroon ng mga dorm para sa mga healthworkers sa ibat-ibang panig ng NCR.

Noong humina ang hanapbuhay ng mga nagtitinda sa palengke at mga tricycle drivers? Sino ang nakaisip ng solusyon para maibsan ang paghihirap nila? Di ba si Busy Presidente Leni Robredo? Kaya nga nasimulan ang Community Mart sa Quezon City at Pasig City. Tapos ngayon umabot na sa Zamboanga.

 

Noong pumalpak ang pamahalaan sa pag-assist doon sa mga na-stranded sa NAIA sino ang nagbigay agad ng tulong? Hindi ba si Busy Presidente Leni Robredo? Nagpadala agad ng pagkain at hygiene kit. At naghanda ng mga bus para makabalik sa probinsiya pero unlike Balik Probinsiya Program ni Bong Go, siniguro ng OVP na kumpleto ang papeles nila, travel pass, medical certificate and they check their health bago umuwi.

 

Ngayon may bago na namang proyekto si VP Leni para sa mga healthworkers sa Lung Center. Sa tulong ng Angat-Buhay partners naitayo ang Oasis project kung saan puwedeng magpahinga ang mga healthworkers.

Hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa din ang pagtulong ng OVP sa pagpapadala ng food packs sa ibat-ibang hospital at maging mga jeepney drivers sa NCR.

Yung PPE from OVP mula Aparri hanggang Jolo nakakarating. Hindi overpriced na PPE ha.

Ang daming nagawa ng OVP without emergency powers at hindi umutang ng bilyon-bilyong pondo.

 

“VP Leni has offered & delivered more solutions without additional emergency powers & funding. She‘s been in constant dialogue, partnership & collaboration w/ public & private organizations to address the crisis. She has literally been working day in & out.

SHE WAS NEVER LATE/ABSENT!”

Kaya huwag kami Humpty Dumpty! Mahiya ka sa sarili pinaggagawa niyo ng amo mo.

Tse!

 

Yamot Sa Incompetent,

PAB

Facebook Comments