Bakit Sila Nadamay, Mr. President?

Dear President Duterte ,

May ipapakilala po ako sa inyo, mga kabataan po sila na sinabi niyong poprotektahan niyo po.

Unahin natin ang latest po si Carl Arnaiz. Anak ng OFW, pinahirapan muna bago pinatay.

Kilala niyo na siguro po si Kian delos Santos, sinabing nanlaban, pero hindi pala. Pinatay na walang awa. Anak din po siya ng OFW.

Hindi ko alam kung naalala niyo pa po si Raymart Siapo.  Yung club footed na bata po, na pinatakbo muna bago pinatay. Nasabay lang sa listahan kasi tsinismis ng kapitbahay. Anak din po siya ng OFW.

Naalala ko tuloy yung sinabi niyong gusto niyo nang pauwiin ang mga OFW, oo nga umuwi sila, umuwi sila para paglamayan ang mga anak nila. Ang saklap naman pala.

Eto po si Althea, 4 years old tinamaan ng ligaw na bala. Lumusot ang bala papunta sa kanya nang binaril ang Tatay niya.

Sila naman po ang magkapatid na Hassan Tanto, 5 & Kadil Tanto (teenager) killed together w/ their mother in a raid in Rajah Buayan town, Maguindanao. Eto po ang kapatid nilang one year old, natamaan din ng ligaw na bala.

Siya naman po si Jefferson Bunuan, 20, scholar, pinatay habang nakikitulog sa kapitbahay. Pangarap niyang maiahon ang pamilya niya sa hirap.

Siya naman po si San Niño Batucan na taga Cebu, tinamaan ng ligaw na bala.

Siya naman po si Kristine Joy Sailog, 12 years old, tinamaan sya ng ligaw na bala habang nagsisimbang gabi.

May tatlo na sabay sabay din po na nabaril sina

Jonel Segovia, 15
Sonny Espinosa, 16
Angelito Soriano, 16

Killed by masked men after failing to find an alleged user.

Danica Mae Garcia, 5, hit by bullet when police open fired on their house in Dagupan. The target was her grandfather.

Francis Mañosca, 5, died with his father, after an unidentified gunman shot through an unopened window in Pasay City.

Actually, President Duterte, marami pa po. In fact these are the list.

Katiting lang po yan na porsyento sa 13,000 na mga namatay.

Nagtataka siguro po kayo kung bakit pinapakilala ko sila sa inyo isa-isa. Kasi po gusto kong ilagay niyo po sa isip niyo ang bawat pangalan nila at kung paano sila namatay. Baka sakali na lang tubuan kayo ng konsensya.

Sabi ng mga Dutertrolls, kung walang kasalanan hindi dapat matakot?  Yung mga sanggol na nadamay, ano ang kasalanan nila?

Ang mga kabataan na sabi mong poprotektahan mo ay sila din po ang unti unting pinapatay at nadadamay sa inyong programa na bara-bara. Walang due process at batas.

Sana sa pagtulog mo marinig mo ang kanilang hinaing. Sana dalawin din nila ang mga taong sumusuporta sa programa mong patayan.

Nagdadasal para may Multuhin,

PAB

Source: Twitter account of @DanSantos8

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *