Martin Andanar, #YouHadOneJob

Dear Martin Andanar,

Matanong lang po kita sino po ba ang nagpapasweldo sa office niyo?  Ang Pilipino o ang Intsik?

Alam ng bansa na nanalo ang kaso natin sa International Tribunal sa Hague laban sa China. Sa di ko maintindihang kalokohan niyo bakit niyo to pinost sa government website, PNA?

Ang sabi niyo “More than one year after an ill-founded award at a South China Sea arbitration unilaterally delivered by an ad hoc tribunal in The Hague, the situation in the South China Sea has stabilized and improved thanks to the wisdom and sincerity of China and the parties concerned.”

Seriously, ill-founded? Kayo mismo na kapwa Pilipino ang nagsasabi nito and to think ang pondo ng office mo ay ganito kalaki,

Tapos yung mga taong nagpapasweldo sa yo ang tinatraydor niyo? We won that case fair and square. Hinangaan tayo ng buong Asia sa katapangan na pinakita natin na ipaglaban ang ating teritoryo,  pero ikaw at ang opisina niyo binalahura lang yun gamit ang pera ng bayan.

Eto pa ha, sobrang kapal niyo po talaga kasi yung post niyo sa PNA ay kinopya niyo lang pala sa isang website din sa China na xinhua.net

What’s with this administration na pare pareho kayong himod puwet sa China?

Nangopya na nga kayo, binalahura niyo pa ang Pilipino. Puwede kayong lumipat na lang sa China, hindi kayo kawalan dito sa Pilipinas.

Galit sa mga Traydor,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *