Wow, Jetsetter si Assistant Secretary

Dear Mocha Uson,

Beshie, nasaan ka na? Yung department mo namomroblema sa pagpapa-approve ng budget kasi hindi ka na naman umattend ng budget hearing. Pinag reresign ka na ng mga kasamahan mo.

 

Kasi naman, ano ba ang ginagawa mo diyan sa US? Bakit ikaw ang nagrerepresent sa Pilipinas diyan sa United Nation.  Hindi ka naman diplomat. Hiyang hiya ang mgg foreign service officer sa yo.

 

 

At saka yung travel mo pala sa New York dati ay P250,000.00 in one trip! Nakakaloka, samantala hirap na ang mga Pinoy sa mahal ng bilihin tapos ikaw walang pakundangan gumastos.

 

 

At ang masaklap nagpapadagdag pa ang Department niyo ng budget, para saan? Para makapaglagalag ka uli?  8  foreign travel in 10 months? Sarap buhay teh? Tubuan sana ng hiya ha.

Bilyones na budget para sa “Pepe-Dede” , pagkalat ng fake news at pambabastos sa may kapansanan? Puwedeng magresign kung may hiya pa sa katawan.

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *