Whiff lang, ‘di ba?

Dear President Duterte,

Minsan niyo nang sinabi sa amin na ayaw niyo sa corruption. Sabi niyo pa nga corruption makes you sick.  Pinag bantaan niyo pa ang mga kawani ng gobyerno na “whiff” or amoy lang ng corruption ay lagot na sila.

Ngayon nasasangkot ang anak niyo sa corruption sa BOC. Matagal na pala to. May mga documents na nagpapatunay na involve ang anak niyo sa smuggling.

A memorandum dated December 7, 2007, from the Presidential Anti-Smuggling Group (PASG), stated that the younger Paolo Duterte was responsible for the smuggling of sport utility vehicles (SUVs), luxury vehicles, rice, sugar, and used clothes into Davao City.

The PASG memo was signed by Rosauro Bautista, PASG Team-Leader 2 and addressed to Deputy Director for Intelligence Ruel Lasala.

Pareho din po ang report ng NBI  “disposition form” dated December 4, 2007.

Sabi sa report dinadaya ng anak niyo ang bansa sa pamamagitan ng hindi pagbayad ng tamang buwis.

Ayon sa report,

Paolo Duterte allegedly did this with his “business partner” Glen Escandor, a “son” of a Colonel Escandor and owner of Mandaya Hotel.

“[They] are business partners in smuggling activities and are responsible [for] the proliferation of smuggled SUVs and high end cars in the area. The place of origin of these vehicles are from Japan and United States of America. These partners even have their showroom at Genesis located at Pacific Drive near SM Davao City,”

Hindi itong unang beses may nagtestigo, dati din sinabi din ni Matobato na yung anak niyo involve din sa smuggling.

Last  House hearing, your son was implicated in the P6.4-billion shabu shipment from China.

Hindi lang daw kotse pati pala shabu. Hindi po ba galit kayo sa shabu?  Bakit tahimik po kayo?  Tapos sasabihin niyo pag napatunayan.  Ngayon humihingi kayo ng due process, due process na pinagkait niyo sa mga namatay sa tokhang.

Hindi na to “whiff” lang, Mr. President. Masangsang na amoy na po ito. Nakakasulasok na corruption kasi may kasama ng bilyones na halaga ng shabu.

Bago kayo maghangad ng pagbabago sa ibang tao, simulan niyo po sa pamilya niyo.

At kung may isang salita ka na magreresign ka kung mainvolve ang isa sa mga anak niyo sa corruption, bakit nandiyan ka pa?  Resign na po.

Yamot sa Kapit Tuko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *