Whiff of Corruption Daw?

Dear President Duterte,

Pinagloloko niyo ba kami? Sabi niyo lalabanan niyo ang corruption. Sabi niyo whiff lang tanggal na. Resibo.

Oo nga tinanggal niyo nga si Faeldon sa BoC, pero pagkatapos lang ng ilang buwan binalik niyo uli. Resibo.

Ginawa niyo pang Deputy Administrator ng DND. Anong klaseng amoy po ba ang gusto niyo? Hindi pa ba sapat ang sinabi ng PDEA? Resibo.

Hindi pa ba nangangamoy corruption ang pahayag ni Senator Ping Lacson?

Anong meron si Faeldon at mukhang hinding hindi niyo mabitawan kahit nakalasulasok na ang amoy ng corruption?

May kinalaman ba to sa 6.4 billion na shabu kung saan dawit ang inyong anak?

Simula ngayon, wag na kayong magpanggap na kunwari nilalabanan ang corruption, kasi lumalabas ang katotohanan na pagdating sa kaalyado niyo, barado ang ilong niyo pagdating sa amoy ng corruption. Tse!

Yamot sa Mapagkunwaring Politiko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *