What’s Next President Duterte?

Dear President Duterte,

Kumusta na? Ilang araw nang nakalabas sila Kerwin Espinosa, Peter Lim et al. Sabi mo nagalit ka?

Sabi ni Bato, sinuntok mo pa daw dingding ng Malacañang.

Luh, parang drama na naman yan. Kung talagang galit ka bakit hindi mo sinisisante si Aguirre at bakit hindi mo ibalik kaso nila? Kahit pa ulo mo ang iuntog niyo po sa pader, hindi magbabago ang katotohanan, na yung mga suspected druglord niyo sa cartolina ng drug matrix niyo ay inabswelto niyo.

At ang masakit pa nito, yung prosecutor na nag abswelto ay napromote pa. Malinaw na pinagloloko niyo lang ang taong bayan sa drug war na yan. Pag mga mahirap patay, pero pag drug lords abswelto.

Tapos dati sabi niyo you hate corruption. And corruption makes you sick. Tapos nilagay niyo sa witness protection program si Napoles?

Ilang milyong piso ang involve diyan? Pilipino na nga ang ninakawan, kami pa ang magbabayad ng proteksyon niya? Sobra na ang pambabastos niyo sa bayan, Mr. President.

Tapos ngayon ayaw niyo sa anti-political dynasty bill? Kasi buong pamilya niyo ang maapektuhan. Sabi niyo anti-democratic? 2 taon na kayong diktador, hindi niyo alam yun?

Pag kayo apektado hindi puwede, pero pag Pilipino ay masasagasaan, deadma lang. Nyek!

Tapos dahil naduwag kayo nag withdraw kayo sa ICC? Akala ko ba matapang kayo?

Peke din pala, katapangan niyo. Ang daming damages na ang ginagawa niyo sa Pilipinas. By the time matapos ang term niyo basura na ang Pilipinas. Lubog sa utang, nakalayang drug lord, nakalayang mga corrupt at higit sa lahat libo libong mamamayan ang namatay.

Sana gumawa ng paraan ang Diyos para matapos na ang lahat ng kamalasan.

Yamot sa Sinungaling na Presidente,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *