What Is Gas Lighting?

Dear KaPAB,

Maraming trigger sa post na ito lalo na mga DDS trolls. Kahapon pa ako at si Maria Ressa inuulan ng panlalait.

Galit na galit mga DDS. Kasi ang reason nila kasi daw malaki ang hospital at at 1500 bed capacity and 3600 personnel daw.

Sagutin natin ito ha. Huwag natin kalimutan ang pinag-uusapan dito ay reimbursement for Covid19 cases. I repeat for Covid19 cases ha.

Cases in Davao as of August 11: 1,568 out of 140,000 all over the the country.

Sabi ng mga nagdedefend

“Yeah but SPMC caters to all of Mindanao, so that’s why it’s justified”

Pero as of August 5, 2020, the total number of cases in Mindanao is just 5,396.

And as of August 4, 2020, WHO data confirms that 53.8% of cases are in NCR. Davao didn’t even make it to the top 5.

So ang tanong ” Bakit highest ang budget sa kanila when ang Covid19 cases ay concentrated sa Metro Manila?”

Hindi ito sa laki o sa dami ng beds, ang pinag-uusapan ang dami ng Covid19 cases. Ang tawag sa ginagawa ng ibang dumedepensa sa kakulangan ng Philhealth ay “Gaslighting” or pagmamanipula.

Simplehan natin ha. Halimbawa yung bagyong Yolanda, sa Tacloban ang sentro di ba? Maraming nasalanta at namatay. Papayag ba kayo na ang bulk ng tulong intended for Yolanda victim mapunta sa Metro Manila na konti lang naman ang nasalanta? Di magkakaroon din kayo ng “Bakit” na tanong?

We don’t hate Davao City. Hindi yun ang issue, ang tanong kung may nangyari bang palakasan or favoritism?

Sa totoo lang tayo.

Naglilinaw,

PAB

P.S. Thank you @claudiopoy for the resibo and data.