West Philippine Sea vs. Boracay Island

Dear President Duterte,

Minsan ang gulo ng priorities mo no? Yung West Philippines Sea territory sinasakop ng China, hindi ka pumapalag, pero etong Boracay, na mga Pilipino ang apektado nagpadala ka ng sangkaterbang sundalo.

Tapos may coastguard pa.

Hindi ba dapat nasa West Philippines Sea sila nagpapatrol?

May mga drama pang ganito.

Ang OA niyo lang diyan, promise. Hindi ba kayo naaawa sa kanila? 6 months ang pamilya ng mga tao diyan magugutom. Pero kung makaasta kayo, para silang mga kriminal sa daming sundalo at kapulisan na pinadala niyo.

Kung ang tapang niyo sana sa mga Pilipino sa Boracay ay ipakita niyo din sana sa mga sumasakop sa Spratly Island, eh di sana walang problema.

Nanalo ka pa naman diyan, tapos ang mga taong tumulong ay siya naman pinapahirapan mo. NaDuterte na naman.

Naaawa sa mga Taga Boracay,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *