Watak-Watak Daw Ang Desisyon Ng Korte Suprema Sa Recount Ng Bise Presidente

Dear KaPAB,

Alam natin na tapos na ni Associate Justice Caguioa ang report sa recount sa pagka bise presidente. Given na yun. In fact naipasa na siya last September 9 pa. At ang balita kahit pa alam na natin na lalong lumamang sa tatlong pilot provinces si VP Leni mukha daw watak-watak ang mga decision ng Supreme Court Justices.

 

 

Klaro ang resulta ha, kasi nga pinasa na report so bakit ayaw pa ding desisyunan? Anong hinihintay?

Ayon sa report “Caguioa’s draft decision, copies of which were sent to Chief Justice Lucas Bersamin and the 13 associate justices on Monday, upheld the proclamation of Robredo.”

Kaya siguro naglabasan ang paninira kay Caguiao sa mga tabloid.

Eto na ba ang sinasabi nilang makinarya ni BBM? Hindi natin alam. Pero kawawa si Associate Justice Caguioa no?

Anyway, hindi na rin mababago or matatamper ang 54 pages report ni Associate Justice Caguioa kasi  “the magistrate adopted a rarely used procedure in distributing his ponencia — each set bears a water mark.” May watermark bawat dokumento mga beshie! 

Kung sa report ni Caguiao ay ini upheld niya ang proclamation ni VP Leni, ano pa ang pumipigil sa ibang mahistrado para ididismiss ang kaso nitong si BBM?

Panggulo lang ang taong ito eh.

Babantayan Ang Boto Ng Bayan,

PAB

Source: https://www.manilatimes.net/2019/09/11/news/headlines/draft-ruling-vs-marcos-poll-protest-divides-sc/614585/

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *