Paano Wasakin ng Diktador ang Demokrasya

Eto ang mga hakbang kung paano wasakin ng diktador ang demokrasya.

1.

Gumawa ng kwento na sobrang laki ng problema ng banda at ang diktador lamang ang taga-pagligtas.

Halimbawa ang exaggerated na bilang ng addict or sasabihin na he won by majority pero ang totoo plurality lang.

2.

Lahat ng pumupuna sa mali ay tinatawag na mga “kaaway”. Kahit nasa media ka pa gigipitin ka. Magsesweldo ng mga trolls para siraan ang media at tawagin itong fake news. Or gigipitin ang media gaya ng Inquirer, para matakot nang magbalita ng kapalpakan ng gobyerno.

3.

Pag bumagsak ang ekonomiya sisihin ito sa ibang grupo.

Example:  Dilawan ang may kasalanan sa pagbagsak ng piso!

4.

Hahamunin ang mga terrorista na gumawa ng gulo. Kakausapin ang mga maka-kaliwa na lumusob. Para magkagulo at magdeclare ng Martial Law.

5.

Magkaroon ng troll farm para makundisyun ang utak ng mga tao kahit na mali na ang ginagawa, gagawa ng fake news na kunwari tama at ishishare ng troll farm.

6.

Maglahad ng kasinungalingan sa publiko gaya ng mga fake survey at pagsisinungaling about sa ekonomiya hanggang makumbinsi sila na ang mali ay tama.

7.

Ilagay ng mga kaibigan at mga kakilala sa pwesto sa gobyerno para ang loyalty ay sa diktador at hindi sa bayan. Wag mag appoint ng mga matitino at matalino gaya ni Gina Lopez, kasi salungat ito sa objective ng diktador.

8.

Makipag kaibigan sa mga bansang may diktador na pamamahala, gaya ng China at Russia at balahurain ang bansang may demokrasyang pananaw.

9.

Walang pakialam sa property ng ibang tao, ipapamigay kahit walang pahintulot gaya ng nangyari sa Kadamay.

10.

Gamitin ang mga uto-uto, at mga bobong tao para paniwalain na tama ang ginagawa. Mag imbento ng kaso sa sinumang kumakalaban sa kanya.

11.

At higit sa lahat hahawakan sa leeg ang mga tao sa mababang kapulungan, para makontrol niya ang lahat ng panukala na naaayon sa masama niyang hangarin.

Papayag ba tayo na wasakin ang demokrasyang pinaghirapan ng mga Pilipino sa EDSA?

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *