War in the North

Nabalitaan niyo na siguro ang bangayan ni Manang Imee at ni Rudy Fariñas ngayon. Dalawang powerful na pamilya sa Norte, parehong kaalyado ni Duterte.

Ang story pala ay ganito. Eto si Manang Imee ay may pondo na 66.45 million pesos mula sa Tobacco funds. Ano po ba ang tobacco funds? Eto po yung pondo na puwedeng ideally for projects that help and boost the productivity and income of farmers.

Etong si Manang Imee daw ginamit ang pondong nakalaan sa mga magsasaka pambili ng iba’t ibang sasakyan. May mini cabs, mini trucks at 5 second bus. Si Manang Imee ang nagrequest si Manang Imee din ang nag approve.  😂😂😂

Yung 65.45 million malaking tulong sana yan sa ating mga magsasaka. Pambili ng fertilizer, punla at pampuhunan nila. Manang Imee, talaga masyadong maBABA ang pananaw sa pangangailan ng tobacco farmers.

Ngayon sa July 25 pag hindi daw sumipot sa hearing si Governor Imee, magBABA daw ng decision na arestuhin siya.

Ang malaking tanong, sino ang kakampihan ng Presidente sa away sa Norte? Ang anak ng idol niya at nagbigay ng campaign funds sa kanya?  O si Fariñas at Alvarez na hawak sa leeg ang mga kongresista?

Esep-esep….

Kumakain ng Popcorn,

PAB 😂

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *