Wanda Teo, Magaling sa Math ang Pinoy

Dear Secretary Wanda Teo,

Hindi ko po alam kung sino ang niloloko niyo sa graph na nilagay niyo sa website ng office nyo comparing your accomplishment to the previous administration. Kahit Grade V,  makakapansin na, there is something wrong with these 2 graphs.

Bakit ang comparison niyo with the previous admin ay 2010-2011 lang?  Hindi ba dapat yearly ang comparison para makita ang growth ng arrivals? Alam niyo kung bakit ang year 2010-2011 ang pinili niyo?  Kasi if you choose yung mga succeeding years ng Pnoy administration, alam niyo na ang punagmamalaki niyong arrival growth is bumababa pala.  Wag niyong lokohin ang mga Pilipino by giving us fake graphs and accomplishment.

Eto pa yung sinasabi niyong revenue.

Same process ang ginawa niyo.  Buti na lang nakakuha ako ng data sa past administration.

Ayan po 2015 data. Aquino administration gained 227.62 billion sa tourism revenue. Ibig sabihin compared sa stats niyo nung 2016, bumababa ng 5billion ang revenue. Kaya yung mga graph niyo misleading yung mga info niyo of comparison is fake.

Luh, mga to, sa tingin niyo talaga ganun katanga ang Pinoy?

Tama talaga, how you campaigned is how you governed.

Peke sa simula, sa peke din nagpapatuloy.

Isumbong kita kay Tulfo eh!  Ay Di pala puwede kapatid mo pala sila.

Anyway next time wag niyo naman kaming linlangin. Hindi kami tanga gaya ng mga trolls nyo.

Galit sa Madaya,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *