Waldas doon, Waldas dito

Uso ba ngayon ang Junket sa mga elective officials at kawani ng Gobyerno?  Kung sila JV Ejercito and  7 others pupunta sa France para daw makipag usap sa EU.

May isang grupo ng mga mambabatas at kawani ng gobyerno na pumunta sa Germany. Siyam po sila.  Just imagine kung gaano kalaki ang gastos.

Eto ang purpose ng “junket”

Maganda ang purpose, pero bakit kailangan ganun kadami?  Muntik ng maging state visit ha. Kasi sa state visit in moderation dapat 10 +1 . Dalawa na lang para ng state visit.

Ang point ko lang naman dito,  naghihirap ang ating mga kababayan sa Marawi, halos wala ng makain. Kumakain na sila ng dahon, kumot at kahit karton, tapos 9 man delegation ay nasa Germany?

Senator Gatchalian, konting malasakit naman sa pera ng bayan. Puwede naman 2 OR 3 ang pumunta tapos gumawa na lang ng report pagdating para maishare ang natutunan.

Ano to? Pagwaldas sa pera ang amo ganun din ang mga subordinates?

Maawa naman kayo kay Juan. Kandakuba na sa pagtatrabaho tapos ang buwis na binabayad niya walang pakundangan niyo lang na ginagasta?

Haist Pilipinas, nasadlak ka na sa dusa. 😢😢😢

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *