Walang Maiiwan Kay Gary Alejano

Dear KaPAB,

Nabasa ko to sa FB. Isang tula na magpapatunay kung anong klaseng katapangan meron ang isang Congressman Alejano.  Hindi ako nagkamali na isama siya sa mga iboboto ko sa Senado come 2019.

Oras Ng Kagitingan
(Mga sandali sa Buhay ni Hon.GARY ALEJANO)

akda ni Marcial Bonifacio

Pusikit na ang kadiliman subalit patuloy pa rin,
Ang mahigpit na putukan laban sa rebeldeng muslim,
Maghapong labanan, walang tigil, walang maliw,
Walang buhay ng mga katawan ay nagkalat na din.

Pagod na ang katawan ni Tinyente Alejano,
Na siyang namumuno sa mga sundalo,
Pati ang mga tropa, lakas ay naglalaho,
Pagod, gutom at uhaw ay nakasisiphayo!

Nang dumating ang utos upang saglit na umatras,
Nagpaiwan si Alejano sapagkat kanyang talastas,
May sundalo pang naiiwan, sugatan at walang lakas,
Kanyang pipilitin na sila ay iligtas!

Kapatiran sa isat isa, ang siyang basehan,
Sa gitna ng labanan wala dapat maiwan,
Panganib ay susuungin mailigtas lamang,
Hanggang sa huli ay hindi pababayaan!

Sa kanyang pagbalik sa lugar ng labanan,
Dalawang sundalo nya, nakita nyang naiwan,
Hindi makaalis dahil sa higpit ng putukan,
Nakakubli sa isang hukay, napapaligiran ng kalaban!

Agad na umaksyon si Tinyente Alejano,
Kalaba’y pinaputukan upang sila’y makatakbo,
Nang ligtas ng makaalis, agad tumalilis silang tatlo,
Siya ang nasa huli, ganyan ang kanyang prinsipyo!

Subalit biglang may malakas na alingawngaw,
Nakabibinging pagsabog sa kanyang likuran,
May bagay na tumama sa kanyang ulunan,
At dagli nawala ang ulirat nya at malay!

Maya maya ay nagmulat ang kanyang mata,
Bituin sa langit ang kanyang nakikita!
Sugatan at duguan ay may buhay pa siya,
Siya ay nakasilip ng mumunting pag asa!

Pilit syang gumapang palayo sa lugar,
Naiisip nya ang pamilyang minamahal,
Nais nya na sana kahit sya ay pumanaw,
Maiuwi man lang ang kanyang bangkay!

Sa kabutihang palad siya ay nakaabot,
Sa lugar kung saan tropa nya ang nakalibot,
Agad syang tinulungan upang magamot,
Sugat na akala nya sa buhay nya ay tatapos!

Sa awa at tulong ng Diyos siya ay nabuhay,
At kinikilala ang kanyang kabayanihan!
Iyan si Gary Alejano, likas na matapang!
Rekomendado sya, MEDAL OF VALOR na karangalan!

*****ito po ay halaw sa tunay na karanasan ni Honorable Gary Alejano nung sya ay 1stLt pa ng Marines sa labanan sa Maguindanao noong 2000. Walang pong binago o idinagdag ang may akda….
-MB

Mula sa simula pinakita ni Cong. Alejano ang pagpapahalaga sa kapwa. Pinahalagahan niya ang bansa mula sa kasundaluhan hanggang sa ordinaryong mamamayan. Siya at si Senator Trillanes ay walang sawang pinaglalaban ang ating teritoryo na pilit sinasakop ng China. Walang bahid na corruption sa loob ng ilang taon na paninilbihan sa gobyerno.

Hindi ako mahihiyang suportahan ang isang Gary Alejano. Kailangan natin siya sa Senado sa darating na 2019.

#AlejanoSaSenado2019

Proud Supporter,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *