Mababalik ba ng mga Luha ang mga Buhay na Kinuha?

Dear Atty. Persida Acosta and General Bato,

Anong meron? At ang drama niyong dalawa? Kanina sa hearing umiiyak ka Atty. Acosta. Naawa ka kamo sa mga pulis?  Teka, kanino ka ba abogado sa mga pulis o sa pamilya ni Kian at Carl? Sa pulis naawa ka, sa mga biktima ng EJK hindi ka naawa?

At nagsinungaling ka pa. Sabi mo hindi mo sinabi na may pattern ang pagkamatay ni Kian at Carl. Sinabi mo kaya. Eto po ang ebidensya.

May video pa nga yan eh, dito po sa link eh.

Kung may nagsisinungaling man sa inyo ni Senator Risa Hontiveros, ikaw po yun.

Kanino sa tono ng pananalita mo sabi mo kawawa ang mga pulis. Parang ayaw ko nang umasa na magkakaroon pa ng katarungan ang pagkamatay ni Kian at Carl.

Ikaw naman General Bato, bakit ka naman umiyak? Kasi sabi mo “unfair”? Wow, at sa yo pa talaga nanggaling yang unfair. Nahiya daw po ang mga pamilya ng mga biktima ng EJK sa inyo po. Ayaw mo gumawa ng report kasi nahusgahan na ang mga pulis?  Sabihin mo ayaw mong gumawa ng report kasi lalabas sa mga ebidensya na nagkamali talaga mga tauhan mo.

Tse!  May paiyak iyak pa kayong nalalaman. Bakit mababalik ba ang buhay ni Kian, Carl at ang iba pang biktima ng mga luha niyo?  Lumuha man kayo ng graba at bato, di niyo na mababalik yun.

Yamot sa mga Dramatistang Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *