Walang Isang Salitang Presidente

Dear President Duterte,

Bipolar po ba kayo?  Or baka may split personality kaya?

Ilang oras lang pagkatapos nyong sinabi na hindi na kayo makikipag usap sa mga NPA habang hindi nila tinitigil ang extortion, pagsalakay, pagsunog at pagpatay sa mga sundalo at kapulisan,ngayon eto ang lalabas?

Pinalaya niya ang 10 NPA na may kasong murder, ransom at rebellion. Ganun kadaling magbago ang iyong pananaw pagdating sa NPA.

Sabi mo sa sundalo natin, you will have their back, how come pinalaya mo ngayon ang pumatay nang ilan sa mga kasamahan nila? Saan ang pagpapahalagang pinagyayabang mo sa kanila? Naaalala niyo pa po ba yung 8 sundalo na pinatay ng mga  NPA sa North Cotabato kamakailan lang? Paano mo ipapaliwanag sa mga pamilya nila na ang grupong dahilan ng kamatayan ng Tatay nila ay pinalaya mo na?

Ganun po ba talaga kahalaga ang NPA sa inyo at kaya niyong balewalain ang katarungan para sa mga pinatay na sundalo?

Feeling ko nga kung malagay ka sa sitwasyon na pabagsak na eroplano at kasama mo ay Joma Sison at si General Año, tapos dalawa na lang ang parachute, feeling ko kay Joma Sison mo ibibigay ang isang parachute.

Sir naman, hindi niyo po ba nakikita, na sa kabila ng peace talk, kaliwat kanan ang pananalakay ng NPA. Tuloy-tuloy pa rin nilang pinapatay ang mga kapulisan at sundalo? Maawa kayo sa kasundaluhan natin.

Commander in Chief ka ng AFP,  hindi ka Kumander ng NPA. Man up naman diyan , Sir!

Galit sa Traydor,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *