Walang Dapat Ikatakot Kung Hindi Totoo

Dear President Duterte,

May good news po ako sa inyo. Sa wakas makakaganti na kayo kay Senator Trillanes. Bibigyan ko po kayo ng tip. Di ba hinamon niyo sya na paimbistigahan ang bank account niyo po?

Well, kinagat niya po ang bait niyo. Nagpropose po sya kanina sa Senado to investigate na nga!

Yung problema ay pinigilan agad ng kapanalig niyo na si Senator Koko Pimentel.

Eto ha, Mr. President, free advice from me. Tawagan niyo po si Senator Koko na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa bank accounts niyo. Di ba sabi niyo po, hindi naman totoo ang paratang ni Senator Trillanes? Pagkakataon niyo na po ito para makaganti. Kasi kung hindi totoo po, syempre mapapahiya si Senator Trillanes? Tapos sabi pa nga niya magreresign po sya, pag mali sya. Imagine mawawalan na po kayo ng problema. Go, go, go, tawag na kay Senator Koko.

Pero, Mr. President, may isa pa po akong suggestion para mas mabilis niyo po mapaalis sa buhay niyo si Senator Trillanes. You just need to SIGN THE WAIVER para makita nang madlang people, na wala talaga kayong kasalanan. Kasi di ba sabi niyo po hindi naman totoo ang mga paratang? So sign na, para mawala ang tinik sa lalamunan niyo.

Galing po ng advice ko no? Wala na pong bayad yan. Free charge po, para po yan sa ikakabuti niyo. Sabi nga po ni Ombudsman Morales, if you have nothing to hide, you have nothing to fear.

Kung kailangan niyo pa po ng advice email niyo po ako sa [email protected]

Self-appointed Adviser of the President,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *