Wala Sa Hulog Na Pagtatanggol ni Gatchalian sa Duterte Kiss

Dear Senator Sherwin Gatchalian,

Humabol ka pa talaga sa wala sa hulog na pagtatanggol sa kahalayan ng presidente. Sinabi mo to.

Luh, grabe siya. Sagutin lang kita ha. Una, hindi artista si Duterte. Presidente siya, may asawa at nirerepresent niya ang bansa natin sa buong mundo. Pangalawa, hindi din artista yung babae. OFW siya na may asawa din. Pangatlo, hindi yun shooting ng pelikula, speaking engagement yun sa ibang bansa, unless scripted lahat yun para malimutan namin ang corruption dito sa Pilipinas at pagtaas ng presyo ng bilihin.

So ano ang sinasabi mo na basta professional lang? Nahihibang ka ba? Feeling mo showbiz ang government natin? Huy kababaihan ang pinag uusapan dito. Ikaw kaya mo bang makitang nakikipag lips to lips ang girlfriend mo kay Duterte, kung meron ka man? Sa tingin mo normal yun?

Wag ka nga. Baka naman bumula na naman ang bibig mo nga salitang “gago” ha, pinagsasabihan ka lang. Wag kang ano.

 

Yamot sa Sipsip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *