Wala sa Bokabularyo niya ang Salitang Accountability

Dear Ate Mocha,

Sa lahat ng mga fake news mo lagi ka talagang may palusot no? You posted this.

Sabi mo hindi ikaw ang nag quote, si TP lang. Eh ano to? Resibo.

Hindi ba quote yan? You shared TP post with a caption mo pa. Wag kaming paglolokohin mo.

Kinuha lang sa Manila Times, na kung ilang beses na rin nag quote ng fake news? Di ba nandun kayo sa venue? Hindi kasi kayo nakikinig, selfie lang ng selfie at nakikipag away pa sa mga journalist kaya nakiki quote na lang sa iba.

This is the continuation of your post.

Sabi mo, you only gave the comment about the picture? Weh, di nga? Kung picture lang ang kailangan mo, eh di sana hindi mo na nashare ang whole post, and please lang ha, ang picture may nakasulat na fake statement.

Kaya ikaw ang sinita, kasi pinapasweldo ka ng taong bayan tapos puro kapalpakan binibigay mo sa amin. Hindi ka na natuto sa bawat pagkakamali mo.

Hindi bumigay si Spox Harry. Nyek as I see it nahihiya sya na mag comment kaya pinasa niya kay Andanar ang pag explain sa panibago mong kapalpakan.

At talagang si Spox Harry pa tinuruan mo kung ano ang gagawin ha. Nakakahiya naman sa yo ate Girl, walang accountability sa kapalpakan no? Kung hindi “symbolism” , “quoted ko lang yan”. In the first place, since nasa communication office ka, it is your job to verify all the information na lumalabas sa bibig mo.

Ginawa mo ang fake news, hindi lang isa o dalawa, maraming beses na. Each time may palusot ka lagi. Kung sino-sinong Poncio Pilato ang sinisisi mo. Pero ni minsan hindi mo inako ang pagkakamali mo at humingi ng paumanhin kasi hindi mo naverify ang info.

Kung makagsabi ka ng basura sa Rappler, wagas. Kung basura ang tingin mo sa kanila, ano ka? Smokey Mountain? Imburnal?

Kahit minsan magkaroon ka naman ng sense of accountability. Palusot ka pa. Style mo bulok. Wag kami.

Yamot sa Bobong Palusot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *