Wala pang Isang Linggo, Yumabang na

Dear Secretary Harry Roque,

Huwag po kayo masyadong magpabilib kay President Duterte sa mga statement niyo. Sabi niyo po “mamatay sa inggit” ? Resibo.

Luh, bakit naman kami maiinggit? Ang hirap kaya ng nagiging trabaho niyo po. Taga interpret sa bastos na pananalita, taga salag sa mga palpak na pahayag at higit sa lahat kayo po ang shock absorber ng kapalpakan. Maganda ba yun para kainggitan? Nyek, baka sa work niyo na yan tuluyan na kayong mawalan ng buhok. 😂

Tapos eto pa, mambabato talaga kayo ng hollow blocks? Resibo.

Aba kung gagawin niyo po yan sa bawat pumupuna kay Duterte baka po diyan na rin ninyo kunin ang gagamitin niyo sa “build, build,build” project niyo po. Sa dami nang kakulangan normal lang na may pumuna.

Ang tama pong gawin sa mga kritiko ay pasalamatan, kasi dahil sa kanila malalaman niyo po kung may pagkukulang ang presidente na dapat niyong punuan.

Wag pong masyadong pabibo baka tuluyan nang makalbo pag salang sa trabaho.

Yamot sa Mayabang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *