Wala Daw Ginamit Na Pondo Sa Kampanya Ni Bong Go

Dear General Año,

Nabasa ko ang reply ninyo sa accusation ni Cong. Gary Alejano.

 

Sabi mo Bong Go shirt not bought with government funds. Sabi ng Liga ng mga  Barangay bigay daw ng Bayan for Bong Go.

 

 

So anong ginagawa ng mga t-shirt na yan sa isang activity na government funded? At bakit may campaign banner ni Bong Go na naka decorate sa venue?

 

 

At bakit ang campaign jingle ni Bong Go ang tumutugtog sa venue?

 

Sino nagbayad ng venue? Hindi ba ang gobyerno? Sino nagbayad ng sound system, hindi ba galing sa buwis ng bayan yan?

Hindi lang ang t-shirt ang issue dito Sir, ang principle na nagpapagamit ang opisina niyo sa isang kandidato at pera ng taong bayan ang nasasakripisyo.

 

 

 

Lodi ko po kayo. Bago pa man kayo nalipat sa DILG ang taas ng expectations ko po sa inyo. Ano po ang nangyari, Sir? Bayan muna di ba?

Huwag niyo pong hayaan kainin kayo ng sistema. You can do better than this, Sir.

 

Umaasang Magbabago Ang Isang Lodi,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *