Wag Tayong Makakalimot, Tayo ang Ninakawan

Dear KaPAB,

Ngayon na lumabas ang mga dokumento na nagsasabi na magkakaroon ng compromise agreement sa gitna ng gobyerno at mga magnanakaw, siguro kailangan nating balikan kung paano tayo ninakawan ng mga Marcos.

Kilala niyo ba si William Saunders at Jane Ryan? Eto ang mga dummy account ni Ferdinand at Imelda Marcos. Isipin niyo noong panahong yun ang sweldo ng president annually ay $5600. Pero ang nakadeposit sa Swiss account ng mag asawang ito ay $950,000 dollars na. Resibo.

Yung mga nagsasabing trolls na wala pang decision sa korte na magsasabing magnanakaw ang mga Marcos, isampal niyo ito sa kanila. Resibo.

Ang Swiss Federal court nagkaroon ng desisyon na, na kinurakot talaga nila ang pera. Ito ang katotohanan. Huwag tayong makakalimot.

Kung hindi pa rin maniwala na walang court decision na magpapatunay na magnanakaw sila, batukan niyo ng resibo na to.

Eto Singapore court naman. Milyon milyon na pangungurakot. Lubog sa utang ang Pilipinas.

Kung ayaw pa talaga, ipakain sa kanila itong resibo na to, baka matauhan na lang.

Bumili ng mga property sa US na gamit ang pera ng bayan. Ang kakapal lang di ba? Kung ang mga BBM trolls magsabi na walang decision sa Pilipinas, ihambalos ang resibong ito.

May mga foundation din sila gaya ng NGO ni Napoles kung saan doon nila tinatago ang perang ninakaw nila. And ang mas nakakainis, ay yung pinigilan pa ni Bongbong Marcos at Imelda Marcos ang pagbalik ng pera sa taong bayan. Resibo.

Nag appeal pa sila, buti na lang nadeny. Marami pang kayamanan na kailangan bawiin pero ito si Duterte dinissolve na ang PCGG tapos lumutang pa ang comprimising agreement.

Sobrang panloloko sa taong bayan. Tayo na ang ninakawan, tayo na ang nagbabayad sa perang ninakaw nila, ngayon tayo pa talaga ang dapat mag agree sa condition nila? Ang kakapal lang di ba?

Maging mapagmatyag at wag pumayag sa mga panloloko na ginagawa ng mga salaula.

Yamot sa Mga Magnanakaw,

PAB

Source: http://newslab.philstar.com/31-years-of-amnesia/never-convicted

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *