Wag po Tayong Selective

Dear General Año and Secretary Lorenzana,

Hello po. Pasensya na po kung sumulat po ako uli sa inyo. Medyo nabahala lang po ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw.

Una po, gusto ko pong malaman kung totoo po na sumasangayon ang AFP na tanggalin na ang CHR?

If totoo po, bakit po?  Di ba po sabi niyo noon na igagalang niyo po ang constitution, kahit ano ang mangyari? Alam ko po may magandang statement po kayo dito.

Naisip ko nga po na baka na taken out of context lang po kayo kasi nabasa ko din po  itong statement na to.

I guess this is you being idealistic Secretary Lorenzana. The real reason why I write is the way AFP deal with Juana Change. Nandun na po ako, nagkamali po siya sa pagsuot ng uniform and kung kailangan syang kasuhan then go ahead po. Pero sana po fair ang batas. Kung kinasuhan nyo po siya, dapat po kasuhan niyo din po si Ate Mocha.

Kasi po nagsuot din sya ng uniform ng military.

Nang pinuna yun ng taong bayan, may excuses agad na binigay yung spokesperson niyo.

Totoo po ba na in the process of becoming reserve? Bakit po parang wala naman po kaming nabalitaan. Parang ang hirap paniwalaan.  Parang binunot lang from out of nowhere para majustify ang pag pabor kay Mocha ng AFP. At saka po in the process palang, hindi pa reserve. Dapat po panagutin pa  din po siya.

Mabuti na lang sa of this writing inaatras na ang kaso laban kay Juana Change. Ang dami ng problema na ng problema ng bansa sana ang mga ganyang bagay pinag uusapan na lang at wala nang kaso-kaso.

Mga Sir, again nagpapasalamat po kami sa sakripisyo na ginagawa niyo po sa Marawi at sa ibang panig ng bansa. Sana po matapos na ang digmaan sa Mindanao at please po protektahan niyo din po ang mga lumad at katutubo. Kawawa naman po sila.

Muli, pakisabi po sa Spokesperson niyo na si Padilla, wag selective sa pagpatupad ng batas, kasi po mali po yun.

Thank you po at Mabuhay po kayo!

Gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *