Wag Naman Murahin ang OFW

Dear Secretary Cayetano,

Hindi ko alam what’s your purpose for hiring this horrible person. Sabi niya you hired him to bridge the gap between OFW and the government.

Eto po ang serbisyong binibigay niya?

Sa tingin niyo ba kung mumurahin niya ang OFW will bridge any gap at all. As a government employee dapat matuto syang magpasensiya. Hirap at lungkot ang dinadanas ng mga yan makapagpadala lang ng remittances na syang bumubuhay sa ekonomiya natin ngayon. Sana naman konting respeto.

Kung pinapahalagahan ni Duterte ang administration na to, hindi niyo dapat sila minumura. Hindi na kayo naawa.

Hindi sila leche. Mga bayani sila na nagsisikap magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal nila sa buhay. Maaring ang iba sa kanila ay hindi sinwerte pero wala kayong karapatan balahurain sila. Sila ang nagpapasweldo sa inyo.

Mga walang awa kayo.

Sobrang Galit sa Balahura,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *