Wag Ampalaya, Nakakakulubot ng Mukha

Dear Associate Justice Teresita de Castro,

I was watching the hearing yesterday. Ramdam ko po talaga ang pait na nararamdaman niyo sa pagpili kay CJ Sereno na maging Chief Justice.

Ma’am, with all due respect po, kailangan niyo na pong mag move on. Don’t let resentment and envy cover your heart.

Sa ginagawa niyo po sa bawat hearing, unti unti na pong nababawasan ang respeto sa institution kung saan kayo nabibilang.

Para po kayong elementary pupil na natalo sa pagiging class president. Ang diperensya lang, kayo po ang tagal makamove on.

Eto po ha tuturuan kita kung paano mag move on.

1. Remember that life is full of setbacks.

Hindi naman po lahat ng gusto natin sa buhay ay nakukuha natin. Dapat prepared tayo doon. Hindi ka naman po siguro spoiled brat di ba?

2. Ask yourself how you can improve in the future.

Baka nga naman hindi ka fit sa criteria sa hinanap ni PNoy dati, kaya hindi ka naging Chief Justice. Dapat nga challenge yun sa yo to perform well at ipakita ang maturity mong tumanggap ng pagkatalo.

3. Remember not to burn any bridges.

At saka huwag makipag away, just because hindi ka napromote, aawayin mo yung napromote? Bad po yun, kasi una hindi naman niya hiningi yun, binigay yun sa kanya. Kung may dapat kayong bardagulin ang nagbigay po ng promotion. Sa kanya niyo po iiyak ang kapaitan niyo po sa katawan.

4. Know when to move on.

Eto po yung pinaka importante sa lahat. Wag baunin ang ampalaya sa araw-araw. Baka magaya kayo sa kulubot na balat ng ampalaya, sige po kayo. Dapat matutunan niyo pong tanggapin na if hindi naibigay sa inyo baka may ibang plano ang Diyos para po sa inyo. Wag magtanim ng hatred, hindi ka naman farmer, judge ka po. Learn to let go of negative feelings. At saka po, ang ampalaya kinakain po yan, hindi inuugali.

Sana po may natutunan po kayo sa mga advice ko po. Libre na po yan, para maka move on ka lang.

Self Appointed Life Adviser,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *