VP Robredo Performance Review

Dear VP Leni Robredo,

One year na pala din po ang lumipas. Gagawan ko din po kayo ng review.

Naging Chairperson po kayo ng Housing and Urban Development Coordinating Council. Sa limang buwan niyo pong nanungkulan nagawa niyo po ang mga sumusunod:

Cutting of red tape, providing low-cost housing for at least 46,000 families, and the start of construction of at least 17,000 homes for victims of super typhoon Yolanda.

Bagamat nagpadala sa intriga si Duterte at tinanggal kayo sa gabinete, hindi po ito naging hadlang para po makatulong kayo sa limitado niyong budget. Yung #AngatBuhay project niyo po ang daming natulungan. Sa limitado niyong pondo, nakipag partner kayo sa mga private companies and individuals na may kakayahang tumulong.

“The Angat Buhay program has reached 36,046 individuals, or 22,775 families and, providing through donor partners almost P52.72 million worth of resources for rural development, feeding programs, medical and dental missions, and educational infrastructure.”

Buong taon binato kayo ng batikos,  isang beses lang po kayong nakitang lumaban. Nung nadadamay na ang mga anak niyo po at ang yumao niyo pong asawa na si Secretary Jesse.

Narinig ko po ang interview niyo po kahapon. Sabi niyo po,

“Palagay ko unfair naman kay Pangulo kung ako naman ang magge-grade sa kanya. Basta yung sa akin, maraming magandang ginawa, marami ring pagkukulang pero sa akin, yung pagkukulang pagtulungan na lang nating lahat kasi yung success naman ng administrasyon na ito ay para din sa atin itong lahat,”

VP Leni,  pasensya na po ha,  pero mukhang hindi ko po mapupunuan ang pagkukulang ni President Duterte. Paano ko po maiintindihan ang araw-araw na patayan? Umabot na po sa 12,000. Paano po yun mapupunuan. Ang masamang lagay ng ekonomiya? Kailangan ko ba pong maintindihan yun?  Paano po yung pagtaas ng presyo ng bilihin. Alam niyo po kung dati po ang 500 ko po puwedeng budget sa tatlong araw na food and transportation, ngayon dalawang araw na lang po. Paano ko po matutulungan maging successful ang admin ni Duterte kung wala naman po syang konkretong plano?

VP Leni, pasensya na po kung matapang ko kayong pinaglalaban. Kasi po sobra na po ang paninira sa inyo. Kung talagang gusto ni Presidente na magkaisa dapat po sya ang sumasaway sa mga trolls niya. Pero hindi po ganun ang nangyayari, walang tigil na batikos ang kanilang ginagawa magpakita man kayo ng maganda OR punahin niyo po ang pamamalakad nila.

VP Leni, alam ko po sobrang bait at pasensyosa niyo po. You are trying to deal with the situation as diplomatically as you could. Pero kaming mga supporters mo, minsan lalaban talaga kami pag inaapi ka na. Kasi para sa amin you are the best example na leader. You will lead us to fight against injustice of this administration. Gusto namin kasama ka sa pakikipaglaban namin sa katarungan at katotohanan. Remember when you said “the last man standing is a woman “? Ang angas nun!

Sana po pag dumating na po ang takdang panahon, kapit kamay nating labanan ang kahirapan at kasinungalingan. Pag medyo po sa tingin niyo po na kailangan nang lumaban, nasa likod mo lang po kami.

Madame VP,  Filipinos are worth fighting for po. Sa susunod na taon sana mas marami pa po kayong matulungan.

Lumalaban para sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *