VP Leni Robredo, Tinanggap Ang Hamon Ni PDEA Chief Aquino

Dear PDEA Chief Aquino,

Di ba po umattend kayo doon sa meeting na pinatawag ni VP Leni Robredo? Bakit hindi niyo sinabi doon ang hamon na pinagkukuda niyo during sa radio interview niyo pagkatapos ng meeting?

 

 

Pero ok lang. Tinanggap ni VP Leni ang hamon mo kahit alam ng taong bayan na maaring mapahamak siya. Hindi siya umatras sa pangungutya ninyong mga kalalakihan, mula kay Panelo, Go, Bato, Cayetano papunta sa iyo, wala kayong ginawa kung hindi maliitin ang kakayahan niya.

Ngayon na tinanggap niya hamon mo baka naman gusto mong iconsider ang suggestion niya?

 

 

After all gusto lang niya din kayong protektahan. Sabi nga ni VP Leni

Robredo: Indispensable ang body cameras. Protection ‘yon sa law enforcement agents, protection ‘yon kasi ang iba sa kanila nakakasuhan nang walang basehan. | via @biancadava”

See? Gusto ni VP Leni na may protection din kayo kasi di ba libo-libo na ang namatay na laging nanlalaban? So kung may body cam kayo yun ang magiging depensa niyo kung pagbintangan kayo na lumalabag sa karapatang pantao.

Ika nga nila, kung walang ginagawang masama, walang dapat ikatakot”. So tigil na ang challenge-challenge na yan, body cam na lang. Safe pa si VP Leni, alam mo naman maraming kontrabida na gustong mapahamak ang bida.

Ok na tayo, Ser?

Yamot Sa Mga Bully,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *