Villar: Bakit Bibigyan ‘yung Middle [class] eh May Trabaho Sila?

Dear KaPAB,

Minsan matatawa ka na lang kung gaano ka-detached eto si Senator Villar sa totoong nangyayari sa bayan.

Hindi lahat ng nasa middle class ay may sweldo. Yung iba commission base ang sweldo. Yung iba by kontrata. Yung mga malalaking kompanya nakakayang magpasweldo ng isang buwan kahit lockdown, pero yung maliliit na kompanya syempre walang sweldo mga empleyado nila.

Buti siya bilyonaryo, pero sana isipin niya ang kapanganan ng kalahatan. Most of the middle class ay nagbabayad din ng buwis. Hindi ba dapat din tulungan sila ng gobyerno? May mga sikmura at pamilya din yan na nagugutom.

Tapos nang binatikos ng netizen, biglang magpapaliwanag.

Mula sa mga nurse hanggang sa mga researcher masyadong baliko ang pananaw ng taong ito sa kalagayan ng middle class. Not once but many times na andami mo niyang sinabi na hindi akma para sa community. 

To think top 1 ito last election ha. Next time, vote wisely Philippines.

Yamot Sa Matapobre,

PAB

 

Facebook Comments