VACC Palpak na Naman!

Dear VACC,

Anyare? Wala na kayong magawang matino no?  Ngayon naman si CJ Sereno ang gusto niyong maimpeach. Yung grupo niyo wala na pong kredibilidad. VACC stands for Volunteers Against Crime and Corruption, pero sa libo libong biktima ng EJK tahimik kayo,  pero pagdating sa SAF44, sumakay uli kayo. Si Ombudsman Morales, gusto niyong ipaimpeach ngayon si Chief Justice Sereno na naman.  Imbes tutukan niyo ang mga krimen na nangyayari,  pinapakialaman niyo ang justice system.

Nung namatay ang mga batang ito. Ni bulong wala akong narinig galing sa grupo niyo.

Ngayon dahil abogado ng suspected drug lord si Atty. Topacio na kasamahan niyo,  may pasulat -sulat pa kayo sa NBI. Duh, napaka selective  niyo kaya.

Well yung impeachment case niyo against CJ Sereno ay palpak. Wala kasing mambabatas na gustong makisabay sa kapalpakan niyo. Beh buti nga,  walang nag endorse.  Nye, nye, nye, nye, nye. 😝😝😝

May suggestion po ako, puwede niyo pong palitan ang pangalan ng grupo niyo po,  VACC stands for V-astards in Aid of the Commission of Corruption. Parang mas bagay. Suggestion lang po yan. Nasa sa inyo na po yan kung susundin niyo. 😂😂😂

Galit sa Sipsip at Ipokrito,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *