Uy May Bago Na Namang Balak Na Negosyo

Dear KaPAB,

I saw this video the other day. Di ba matagal ng balak na magkaroon ng third Telco ang administrasyon ni Duterte? Guess niyo kung sino ang mga nag bid?

 

Video courtesy of ABSCBN

Si DENNIS UY at si Chavit Singson. Akalain mo yun, lahat na lang pinapasukan ni Dennis Uy. After bagging a $300, 000,000.00 contract from PAGCOR, ngayon eto na naman nagbibid na naman ang peyborit oligarch ni Duterte para sa third Telco. Kung icoconvert natin sa peso yan with P54 as exchange rate, aabot siya ng P16, 200,000,000.00.  Ganyan kalaki ang nakuhang kontrata ni Dennis Uy sa PAGCOR.

 

 

Grabe no, nahilo ba kayo sa zero? Tapos kung sila ang makakakuha ng third telco, bagong negosyo na naman.

Iba talaga pag malapit sa kaldero, mabilis nauulingan no and to think sabi ni Duterte he hates oligarchs daw. Sabi niya he will destroy oligarchs.

 

 

Parang hindi naman nadestroy. Mas lalo pa ngang yumaman ang mga kaibigan niyang oligarchs eh.

 

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *