Utang na loob na Naman?

Dear Tatay Digong,

Mainit ang diskusyon po ngayon sa pagpapatigil ng LTFRB,  sa mga Uber at Grab operators.

 

Hindi ko po alam kung may basbas niyo po ang desisyon ng LTFRB. Kasi po Tay, hindi niyo naman nasolve ang problema sa traffic. Yung sa MRT naman lagi pa ding nasisira. Tapos kung tutuusin malaki ang naitulong ng Uber at Grab sa mga commuters, pero eto po talaga ang ginusto niyong pakialamanan.

And then may nagmessage sa kay PAB. Hindi ko po alam kung totoo ito, pero sana po mapaliwanagan niyo kami.

Pag nawala ang Uber at Grab, syempre ang unang matutuwa ang mga operators ng taxi. Tay, totoo po ba na ang Presidente ng  Duterte for President Movement ,QC chapter na si Bong Suntay ay isang taxi operator? Ilang units po ng taxi meron po siya ?

Tatay Digong sana po hindi totoo ang sinabi ng sumulat sa PAB na kaya ito nangyayari ang pagtigil sa Uber at Grab, dahil may utang na loob kayo sa supporter niyo.

Alalahanin niyo po, ang hirap na dinaranas ng commuter araw-araw. Wag niyo po sanang paburan ang iisang tao lang. Kung totoo ang sinabi ng source, kawawa naman po kami lagi niyo na lang kaming pambayad utang.

Masaya po ba kayong nakikitang nahihirapan ang mga Pilipino? Maawa naman kayo sa amin Tay. Huwag niyo sanang isakripisyo ang libo libong tao kapalit ng utang na loob nyo sa iilan.

Di niyo na nga masolve ang traffic at MRT, ngayon pangunahing problema na naman ang haharapin ng mga Pilipino sa pagkansela niyo ng Uber at Grab.

Kanino niyo pa po kami balak gawing sakripisyo?  Kanino pa po kayo may utang na loob na kailangan kami magbayad?

Maawa naman kayo sa amin.

Galit sa Balasubas,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *