Utang Doon, Utang Dito, Tax Doon, Tax Dito

Dear Secretary Dominguez,

Kumusta naman na pati pandesal, apektado na ngayon? Siguro hindi niyo ramdam kasi mamahalin naman ang tinapay na kinakain niyo.

 

 

Siguro minsan kailangan niyo din isipin ang kalagayan ng mahihirap bago niyo ipagsiksikan ang TRAIN 2. Hirap na mga tao sa TRAIN 1. Ang masaklap pa magbabayad kami ng milyones dahil sa kapalpakan niyo. Sabi niyo kailan ng TRAIN para sa “Build, Build, Build”. Bakit may ganito?

 

Dahil sa kapalpakan niyo na maimplement ang mga projects noong 2017, kaming mga taxpayers ang magbabayad. Alam mo ba kung ilang sako na sana ng bigas ang mabibili sa P230.17 million?

Tapos ngayong kalamidad balak niyo na naman umutang sa World Bank? Bakit niyo kasi binawasan ang Calamity Fund? Ngayon na nahaharap tayo sa kalamidad, uutang na naman tayo?

At sino ang magbabayad niyan, aber? Kami na naman. Hindi pa nga namin natatapos bayaran ang utang ng mga Marcos, tapos kaliwa’t kanan  naman ang mga pinag uutang niyo, para saan? Para sa kompanya ni Calida at Bong Go? Para panshopping ng mga Tulfo?

Maawa kayo sa taong bayan, halos hindi na kumakain sa sobrang mahal ng bilihin. Tapos TRAIN 2, pilit mo pa ding sinasaksak sa amin. Try mo kayang magresign? 🙄🙄🙄

 

Yamot Sa Incompetent,

PAB

P.S. Huwag mo kaming daanin sa mga salita na parang naghuhula ka lang gamit ang bolang kristal. Hindi yan naiintindihan ng kumakalam na sikmura. Clouds and rainbow ka diyan! 😡

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *