Uso Talaga ang Junket

Dear Senators,

Naiintindihan ko na gusto niyong ayusin ang relationship between EU and the Philippines. Pero kailangan po talaga na lahat kayo pupunta sa Belgium? Hindi ba puwedeng sulat na lang ang atin ipadala? Sa akin lang naman po sana para makatipid naman po ang taong bayan.  Lubog na po tayo sa utang at ang dami pa nating problema. Sabi ni Senator Sherwin Gatchalian sakripisyo daw ginagawa niyo na patravel travel and staying sa mga expensive hotel.

Nakakahiya naman po na sakripisyo na pala ang pagsisilbi sa taong bayan. Public service is not a sacrifice po.

Besides nagsayang lang kayo ng effort at para sa pagpunta diyan.

Alam niyo kung bakit?  Kasi po pinagmumura na naman po ni Tatay Digong ang EU nitong nakaraang araw.

See?  Yung most expensive apology niyo ay nasayang lang.  Sabi ko nang sulat na lang eh, pumunta pa talaga kayo diyan. Kumusta po ang pamamasyal natin?

Yung EU nasa Belgium, tapos pumunta pa pala kayo ng Paris, akalain mo yun?  And to think si Sherwin Gatchalian kagagaling lang ng Germany. Ang saya -saya!

Pera ng bayan po yan. Kung itotal po ang gastos niyong lahat, marami na pong mapapakain na evacuees sa Marawi. Tubuan po ng konsensya kahit konti.

Galit sa Lakwatsera ng Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *