Usaping Buwis with Tatay Digong.

Dear Tatay Digong,

Kumusta na po kayo?  Pang pitong araw niyo na pong missing in action. Maraming haka-hakang lumabas, kesyo nag pa hair transplant daw po kayo, imposible naman yun. 😂

Sabi ng iba kidney transplant daw sa Taiwan, possible.  Hirap po kasi sa inyo Tay, may mga secret secret vacation pa kayong nalalaman.  May event daw ngayon sa Malacañang at susulpot na daw po kayo.

Anyway po,  gusto ko lang po sana malaman kung ano ang pakay niyo sa priority bill or panukalang bagong pagbubuwis or tax sa mga Filipino. Nabasa ko po ang bill, mukhang may mali po, Tay. Mukhang mas madaming mahihirapan nating kababayan pag ginawa naipasa na ito.

Opo, sa katulad kong middle class na may trabaho maaaring lalaki ang take home pay ko kasi babawasan ang tax na idededuct sa sweldo ko. Pero babawiin din naman eto sa excise tax, na ipapataw niyo sa produktong petrolyo. Syempre ipapasa ng mga negosyante sa mga consumer ang additional tax. Kasunod nito ang pagtaas ng pamasahe at bilihin. Parang mas malulugi pa yata ako.

Pero alam mo Tay,  ang pinaka kawawa ang mga mahihirap na Pilipino na walang regular income. Halimbawa si Mang Tasyong magbobote,  wala naman syang income tax na matitipid, pero papasanin niya ang pagtaas ng bilihin dahil sa excise tax. Si Aling Bebang na nagtitinda ng kakanin sa kanto, yung puhunan niya tataas dahil sa pagtaas ng bilihin wala, naman syang take home pay na lalaki, pero papasanin niya rin ang hirap sa inyong panukalang excise tax.

Ang mga pamilya ng OFW, kung anuman ang pera na ipapadala ng mga mahal nila sa buhay ay konti na lang ang mabibili kasi tataas ang presyo ng mga bilihin. Ang masakit pa nito kasama pala yung 12% na remittance fee ang ibabawas mo sa kanila. Akala ko ba pinapahalagahan niyo po ang mga bagong bayani? Bakit niyo sila pinapahirapan?

OFWs

Bakit po ba puro karagdagang buwis ang iniisip niyo?  Utang kasi kayo ng utang sa China tapos kami ang pinapahirapan niyo. Dapat kayo naman ang humarap at nangutang kayo na lang magbayad.

Baka pati kaluluwa ng bansa sinanla niyo na. Namamatay ang mahihirap dahil sa tokhang, sa bago niyong panukalang tax, baka mamatay naman sila sa gutom. Pag aralan niyo naman ekonomiya natin.

Kung hirap na po talaga mag isip dahil sa kalusugan niyo, maiintindihan naman siguro ng taong bayan kung magresign kayo…  Nakakatakot kung pati ang ekonomiya ng bansa maisama sa paglibing… Kawawa naman ang mga maiiwan..

Inis sa Taong Lulubog Lilitaw,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *