Usapang Waiver at SALN

Dear DDS,

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga hirit niyo about waiver.

Ang panibago niyong hirit, “Bakit? Hindi naman pumirma si Pnoy ng waiver eh, so bakit pipirma si Tatay Digong?”

Luh, grabe sila oh.

Una si Pinoy hindi naman inakusahan na nagkaroon ng bilyones na pera sa kanyang bank account.

Pangalawa, wala namang anak si Pnoy na inaakusahang involved sa smuggling.

Pangatlo, hindi naman naakusahan si Pnoy ng corruption.

At saka bakit ba ayaw niyong papirmahin si President Duterte ng waiver?  Di ba nung kampanya  nagsign na siya dati ng manifesto na kunwari open bank transactions?  Resibo.

Ngayon sign sya uli sa waiver. Liitan lang niya kasi hindi naman tinatanggap sa Ombudsman ang ganyan kalaki. 😂😂😂

Another thing sabi ni President Duterte hindi sya corrupt. Resibo.

Yun naman pala eh, bakit ayaw pang pumirma ng waiver?

Pero recently, sabi ni President Duterte Mga around 40 million LANG daw ang savings niya. Resibo.

Kung ganun may may bago na namang kasinungalingan. Kasi ayun sa SALN na nafile niya last May of this year. According to reports :

According to his latest SALN, the President declared total assets less total liabilities of P27,428,862.44 as of end-2016, or an increase of over P3.3 million (14 percent) from the P24,080,094.04 he declared in June 2016.”

Resibo.

Akalain mo sa loob ng 9 months may karagdagang 13 million na agad kayo? San galing po ang 13 million eh P222, 278.00  lang po ang sweldo niyo monthly. Resibo.

Kahit pa hindi niya gastusin sweldo niyo sa loob ng 9 months which is impossible kasi sabi niya nga dati may dalawa syang pamilyang sinusustentuhan. Resibo.

So saan nanggaling ang increase na 13 million? Panibagong anomaliya na naman na kailangan sagutin.

Hindi ba kayo napapagod sa pagdedepensa ng kasinungalingan araw -araw?

Hindi perpekto ang Poon niyo. Kailangan niyang sagutin ang kasong corruption na binabato sa kanya.

Nagmumukha na kayong tanga, mga bes. Awat na po.

Ok lang die hard supporter, wag lang tangang supporter.

Natatawa sa Katangahan,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *