Usapang Survey with DDS

Dear DDS Trolls,

Ang excuse niyo ngayon sa mababang survey ng Poon niyo kasi sabi niyo sinadya ang survey ng SWS sa kasagsagan ng issue kay Kian kaya mababa.  Sa totoo lang tayo ha.

Kailan ba ang survey? September 23-27. Resibo.

Kailan ba nangyari ang kay Kian? Resibo. Di ba August 16? Resibo.

Ang nangyari na natiming talaga sa date ng survey ay yung napatunayan na nagsinungaling si Duterte ni Trillanes. And same day inamin niya na imbento lang.  Resibo.

 

So yung claim niyo na sinadya ng SWS at pasurvey ng Liberal Party,  mali yan. Kasi ang survey ginagawa talaga quarterly on the same month. Quarterly nga di ba?  Here is the resibo noong September 2016.

 

Here is another resibo of September 2015.

So yung sinasabi niyong kesyo ginamit si Kian ng LP or SWS, I don’t think that is true. Maaring parte si Kian, kung sa beauty contest pa, effect yan ng overall impact. Kian, Trillanes, BOC shabu issue at ang tattoo ni Polong.

Bakit hindi niyo tanggapin kasi na may mali talaga sa pamamalakad kaya mas marami nang hindi sumasang ayon. The sooner na matanggap niyo yan, the sooner na mahahanapan niyo ng solution kung ano ang dapat niyong irecommend na tamang pagbabago.

Sinabi ko na to before, na hindi ako naniniwala masyado sa survey kasi I had a bad experience with them.

Kaya lang ang hirap kasi, pag mataas si Duterte, halos ipanglandakan niyo, ngayong bumagsak ng double digits, halos pagmumurahin niyo ang SWS at ilink sya sa lahat ng LP.

Bakit, LP ba nag utos sa Caloocan pulis na barilin si Kian?  LP ba ang nag utos na magsinungaling si Duterte?  Di ba lahat naman yun gawa niya?

Si Duterte at ang mga alipores niya ang sumisira sa kanya. Wag niyong isisi kay Pedro o kay Juan ang mga bagay na kayo ang may gawa.

Ang mga tao ngayon ay marunong nang magdiscern, yung mga tangang followers na lang ang hindi.

Yamot sa mga Fake News and Excuses,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *