Usapang “Rape” With Senator Sotto

Dear Senator Sotto,

Nabasa ko po yung comment niyo about sa rape case sa India.

Sabi niyo bakit yung mga grupo about sa Human Rights ay tahimik sa isyu ng rape at bakit maingay sa Philippines’ drug war lang.

Luh, parang tinamad kayong magbasa no?Actually po, marami din naman silang article po. Ako na lang nagresearch for you ng resibo, kasi nga mukhang sobrang busy niyo hindi na kayo nakapagbasa. Nagcollage po ako for you, google niyo na lang ha.

Ayan po oh ang Amnesty International at Human Rights Watch madami din po silang article about sa rape na nangyayari sa India. Naiintindihan ko po kung nagagalit po kayo sa nangyari doon sa 17 years old na nirape. Kahit sino dapat magalit talaga sa rapist.

Since rape na lang din naman ang topic, pagkwentuhan natin yung nangyari kay Pepsi Paloma. Yung, nagang rape ng mga kaibigan mo? Imagine 14 years old lang yung bata noon. Nabasa ko po lahat sa Inquirer. Yung mga kaibigan mo pala na sila Vic Sotto, Joey de Leon at Richie D’ Horsey ang gumawa ng kahalayan sa kay Pepsi no?

Grabe may involve pa pala na drugs at halinhinan ginahasa ang 14 years old na si Pepsi Paloma. Noong nalaman niyo po, nagalit din po ba kayo? Parang hindi no? Kasi ayun sa report na nabasa ko, para makaligtas sa parusang kamatayan ang mga dabarkads mo, pinuntahan mo daw si Pepsi Paloma at pinilit pumirma ng “affidavit of desistance”.

Grabe no, paano po nakaya ng konsensiya mo gawin yun sa isang 14 years old? Inurong ang kaso dahil sa pananakot mo? After 3 years ng ginawa niyo sa kanya, natagpuan syang patay sabi suicide pero sabi ng iba pinatay daw.

Yung galit niyo po sa mga rapist, ngayon po lang ba yan? Biglang tumubo na parang kabute? Kasi ilang dekadang nakalipas, parang wala naman sa bokabularyo mo yan, kinunsinte mo pa nga di ba?

So next time na ijujustify mo ang mga patayan sa drug war, tapos ikukumpara mo sa rape cases, mag-isip po muna. Nakatatak sa isip ng mga tao ang 14 years old na bata na pinagtulungan gahasain ng mga dabarkads mo. PEPSI PALOMA.

 

Galit sa Kunsintidor ng Kahayupan,

PAB

P.S. Eto pala ang link ng resibo ko.

http://globalnation.inquirer.net/99861/the-rape-of-pepsi-paloma/amp?__twitter_impression=true

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *