Usapang Fake News ni Bongbong Marcos At Enrile

Dear Bongbong Marcos,

Yung video mo ay sobrang patawa Kyah. Hindi kaya ang handler mo ay dilawan? That was stupid idea. Si Enrile pa ang pinili niyong kasangkapan sa historical revisionism niyo? Kyah, hindi niyo ba naisip na puwedeng magsalita ang mga biktima ng Martial Law?

Isa-isahin natin mga Kyah,

FAKE NEWS #1

 

 

Nyek, mga sinungaling kayo. Mismo na Amnesty International na ang nagsabi na merong 50,000 na naaresto.

 

FAKE NEWS #2

 

No One was arrested for political belief? Bwahahaha! Anong tawag mo sa pag aresto kay kay Ninoy Aquino? Biro-biro lang? Kay Jose Diokno pati nga si Theodore Locsin eh. Ang daming naaresto because of political belief. Kasi ang Tatay mo diktador!

 

FAKE NEWS #3

 

 

Walang massacre? Hoy, panoorin mo ang video na to, para matauhan kayo sa pagsisinungaling niyo.

 

May mga survivor. Sa panahon ng internet at social media, sa tingin niyo hindi mahuhuli ang pagsisinungaling niyo?

 

FAKE NEWS #4

 

Luh, di ba pinasara ng Tatay mo ang mga mass media? Ang iba nga sa kanila naaresto pa eh.

Alam mo yang gimik niyong interview na yan, lalo lang nahighlight ang kalupitan ng Martial Law.  Tapos yung mga trolls niyo pa nagkakalat ng kabobohan oh.

 

 

Kung milyones ang bayad mo sa PR strategist mo, bawiin mo hahahaha! Pinahamak ka na nga, binigyan ka pa ng mga trolls na copy paste. 😂😂😂

 

Natatawa sa Taong Napaglaruan ng PR Strategist,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *