Unfaithful Speaker

Dear Speaker Alvarez,

Luh, grabe siya oh parang transformers lang. Nang pinuna ang pagkakaroon ng kabit biglang naging Manobo.

Kung talagang Manobo kayo bakit wala man lang kayong nagawang batas para maprotektahan ang mga Lumad.

Nung nakaraang araw pinagbantaan na papasabugin ni Duterte ang mga Lumad, pinagtanggol niyo ba sila?  Wag ka nga, nagiging Manobo ka lang para majustify ang kataksilan mo. Ayan po oh ang asawa mo walang idea na Manobo kayo.

Hay naku, Manobo lang when it’s convenient. Tapos ngayon gagawa ka pa ng batas para mapadali ang paghihiwalay ng mga mag-asawa. Ginagamit mo ang posisyon mo para majustify ang pagtataksil na ginagawa niyo po. Grabe siya, oh.

Ayaw ka po sigurong bigyan ng annulment no?  Mirisi. Tama lang yan. Your wife suffered so much. Kulang pa nga siguro yan sa mga sakit at kahihiyan na binigay mo sa kanya.

Manobo daw? Ikwento niyo po sa pagong ang palusot niyo, baka sila maniwala.

Yamot sa Taksil na Imbecile,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *