Umuulan ng Pera sa PCOO

Dear Secretary Martin Andanar,

May nabasa ako sa newspaper ngayong araw.

Hindi lang pala DOT ang may questionable na expenses. Pati din pala ang opisina niyo. P647,000,000.00 pesos? Nagbitiw na ang Undersecretary niyo sa Finance ayon daw sa report hanggang May 30 na lang daw. Totoo ba to?

Yung sandamakmak na perang yan ginastos niyo daw sa promotion ng ASEAN? Eh sabi ng COA trabaho yan ng local information officer eh. Hindi uso ang tipid guys? After ng 60 milyon ng DOT, mas malala pa kayo?

Ayun sa report, hinahanapan kayo ng MOA para mag justify ng gastos niyo. Tapos yung mga empleyado ng office niyo sa 6 star hotel naka stay? Yung totoo, nakakatulog pa kayo? Habang ang mga taga Marawi ay hirap at gutom ang nararanasan sa evacuation center, kayo naman nasa 6 Star hotel? Luh, grabe sila oh.

Ipaliwanag niyo yan sa taong bayan! Wala kayong awa. Kanda kuba na si Juan para makabayad ng buwis, tapos ganyan kayo kalakas gumastos?

Huy, konting hiya naman.

Yamot sa Bulagsak sa Pera ng Bayan,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *