Umabot Na Tayo Sa DU30K!

Dear KaPAB,

Sumampa na tayo sa 30,000 plus na positive cases.

The DOH reports 653 cases of COVID-19, as the country reach the 30,000 mark, with 30,052, total cases as of 4pm Sunday June 21.

Naikalat na din ang virus sa buong Pilipinas dahil sa Balik Probinsiya ni Bong Go at Duterte. Tapos ito ang maririnig mo mula sa alipores ni Duterte.

Kasalanan pa ng taong-bayan? Naka ECQ tayo ng sobra sa dalawang buwan. Nagtiis na walang trabaho, sinunod ang lockdown na sinabi nila. Well, except for Sinas, Koko and Mocha of course.

Kung yung sobra dalawang buwan ginamit nila sa mass testing eh di sana hindi yun nasayang.

Ang laki na ng utang natin nasa kalagitnaan palang tayo ng taon, malapit ng mag 1 trillion! At matapos man ang Covid babayaran natin ito. Hanggang ngayon ngayon wala pa ding malinaw na plano. Every presscon hatinggabi ginagawa, pero wala pa din tayong nakikitang konkretong solution.

Mas mahaba pa ang lockdown natin sa Wuhan. Ang mga karatig bansa natin, like Taiwan and Thailand maayos na kalagayan pero tayo with trillions at their disposal, ang lala pa din ng kalagayan. Mula sa mga maliliit na negosyante na nagsasara, sa mga taong nawalan ng trabaho hanggang sa kalagayan ng mga OFW na namumulot na lang ng basura.

Tapos sa huli ang taong bayan pa may kasalanan?

Luh, kasalanan ng taong bayan kung incompetent si Duterte, ganun?

Hay naku.

Yamot Sa Mga Incompetent,

PAB

 

Facebook Comments